Prison expert kinonsulta ng DOJ sa Bilibid reform

Prison expert kinonsulta ng DOJ sa Bilibid reform

August 8, 2022 @ 5:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matapos tukuyin na isa sa problematic agency ang Bureau of Corrections (BuCOR) at ang kontrobersiyang kinasasangkutan nito ay nakasisira sa imahe ng bansa, komunsulta na si Justice Secretary Crispin Remulla sa isang international prison reform expert para sa pagbalangkas ng plano sa pagpapatupad ng reporma sa correction system sa bansa.

Ang pakikipagpulong ni Remulla kay Prof. Raymund Narag, dating inmate na nakulong ng 7 taon subalit ngayon ay associate professor na Southern Illinois University ay tila dagok naman sa pamumuno ni BuCor chief Gerald Bantag.

Sinabi ni Atty Nico Clavano ng Office of the secretary na nais ni Remulla na iayos ang correction system sa bansa sa naging pakikipagpulong nito kay Narag.

“It is uncertain in what capacity Prof. Narag will come in as but the two shared opinions and compared notes on the changes they seek to make,” nauna nang pahayag ni Clavano.

Si Bantag ay naitalaga bilang BuCor noong 2019 subalit ilang kontrobersya sa pamumuno sa ahensya ang kinasangutan nito.

Ayon sa mga BuCor official na tumangging magpabanggit ng pangalan sa loob tatlong ng taon ay tila wala pa rin umanong pagbabago ang correctional facility.

Matatandaang ilang beses din na naharap sa kontrobersiya si Bantag kung saan dineklara pa itong persona non grata sa Muntinlupa City matapos niyang harangan ng mga pader ang ilang komunidad sa lungsod at isinara sa motorista ang isang kalsada bilang dagdag seguridad sa New Bilibid Prison(NBP) nang walang permiso mula sa lokal na pamahalaan at nagdulot ng malaking perwisyo sa mga residente.

Sinuspinde rin ng DOJ ang pinasok na Joint Venture Agreement(JVA) si Bantag sa pagitan ng Agua Tierra Oro Mina Development Corporation (ATOM) para sa paglipat ng prison facilities mula sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa Nueva Ecija nang wala umanong konsultasyon at bidding process.

Isinasangkot din si Bantag sa magkakasunud na misteryosong pagkamatay sa COVID 19 ng walong  high profile inmates sa pagitan ng May hanggang July 2020 na agad crinemate ang kanilang mga labi. RNT