‘Privacy’ hiling ng pamilya ng nawawalang pari na natagpuan sa Cavite – PNP

‘Privacy’ hiling ng pamilya ng nawawalang pari na natagpuan sa Cavite – PNP

April 6, 2022 @ 5:12 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Humihingi ng privacy ang pamilya ng paring naiulat na nawawala at natagpuang buhay sa Cavite, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, ayon sa the Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules.

Inilahad ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na hindi pa nakakausap ng mga imbestigador si Father Leoben Peregrino, ilang araw matapos siyang matagpuang nakagapos at walang malay sa loob ng kanyang sasakyan.

“Hanggang ngayon po, hindi pa po nila nakakausap si Father Leoben because the family requested some privacy. Accordingly, nagpapahinga at nagpapalakas si Father,” pahayag niya.

Ani Fajardo, walang hininging ransom nang mawala si Peregrino.

Sinabi rin niya na tinitingnan na ng mga pulis ang lahat ng posibleng anggulo at motibo sa imbestigasyon, maging ang bokasyon ng pari at pulitika. RNT/SA