Private employees bigyan din ng rice allowance – solon

Private employees bigyan din ng rice allowance – solon

September 21, 2022 @ 10:53 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na simulan na ng Kamara ang deliberasyon sa panukalang magbibigay ng “rice allowance” sa mga empleyado sa pribadong sektor.

“The rice allowance will help employees cope with the rising cost of goods, while farmers are given a sure market and guarantees that their crops will be bought at fair value,” ani Lee sa isang statement nitong Martes, Setyembre 20.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagpahayag ng pagnanais si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng rice allowance ang mga government employees.

“Huwag na natin hintayin na sabihin ng mga kababayan natin na ’Sana all.’ Talakayin po natin ang panukalang naglalayong itatag ang mga partership sa pagitan ng private sector at mga magsasaka para sa rice allowance ng mga empleyado nila,” pagdidiin ni Lee.

Kaugnay nito, nauna nang inihain ng mambabatas ang House Bill No. 1296 na naghihikayat ng “corporative farming” o ugnayan sa pagitan ng mga grupo ng magsasaka at komunidad. RNT/JGC