Private hospitals handa vs Omicron. BQ.1

Private hospitals handa vs Omicron. BQ.1

November 29, 2022 @ 11:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakahanda ang mga pribadong ospital sa bansa kasunod ng pagsulpot ng bagong Omicron. BQ.1 sa bansa, ayon sa health expert.

Sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano, pareho pa rin ang paghahanda na ginagawa ng ibat-ibang ospital kahit na anong subvariants.

Noong Biyernes, Nov.25 kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 14 kaso ng BQ.1 ang natuklasan sa bansa.

Sa naturang bagong natukoy na impeksyon, 13 ang local case na naitala sa Metro Manila , Central Luzon, Calabarzon, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.

Sinabi ng eksperto na walang dapat ikabahala hanggat ang sintomas ay mild at most moderate.

Pero kapag dumami aniya at kailangang i-ospital ang pasyente tulad noong nakaraang mga pagsirit ng kaso ang magiging problema lamang ayon kay de Grano ay ang kakulangan ng health workers lalo na sa mga nurse.

Samantala, ayon kay de Grano, ang Covid-19 admissions sa bansa ay nanatiling “manageable” at “low” dahil ang health care utilization ay nanatiling nasa “mababang panganib.” Jocelyn Tabangcura-Domenden