Private hospitals umalma sa ‘upcasing’ ng COVID cases

Private hospitals umalma sa ‘upcasing’ ng COVID cases

August 25, 2021 @ 4:45 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang grupo ng mga pribadong ospital na huwag na sanang dagdagan pa ng Philhealth ang kawalan ng tiwala ng publiko sa kanila.

“Do not increase the mistrust that is right now lumalabas (that is coming out right now). We are seeing some things like a post by PhilHealth regarding ‘upcasing’ and they are blaming doctors, hospitals,” ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi).

Ito ay matapos na maglabas ng pahayag ang Philhealth na iimbestigahan umano nila ang kaso ng ‘upcasing’ o pagdeklarang may COVID ang isang pasyente kahit wala naman.

“They are trying to show that hospitals are doing this, all hospitals are doing this. That’s something na goes against the trust and supposed to be the partnership between PhilHealth and our health care providers,” dagdag ni De Grano.

Pagdidiin din ng grupo, mahirap na magawa nila ito dahil ang resulta ng mga RT-PCR tests ay isinasagawa sa mga laboratoryong aprubado ng Department of Health.

Sa halip na ito ang pagtuunan, dapat umanong asikasuhin ng Philhealth ang matagal na nilang hinihinging bayad ng ahensya sa mga COVID-19 claims.

Dahil sa delay, nagdulot na rin ito ng pagdududa sa mga pribadong ospital kung may pambayad ba talaga ang Philhealth sa mga ito. RNT/JC