Private plane ni Kris sa USA, worth P20M!

Private plane ni Kris sa USA, worth P20M!

June 16, 2022 @ 7:00 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Kasalukuyang nasa Houston,Texas si Kris Aquino para magpagamot ng kanyang karamdaman.

Sa isang medical  plane  sinakay  si Kris at marami  raw diumano ang naging problema bago natuloy ito dahil may nanloko sa dapat sanang  unang sasakyang plane ng TV host.

Diumano ay na-scam  pa ito ng almost  P30 million. Buti na lang daw, tinulungan siya ng kanyang mga dating lawyers at bagong “love” na isang super yaman na seperated at talagang lahat ay ginawa para matuloy ang biyahe niya kasama ang mga anak na sina Bimby at Joshua.

Milyones daw ang halaga sa arkila ng private plane at kung hindi kami nagkakamali ay aabot ito ng P20-30M.

Matatandaang matagal nang dapat nakaalis si Kris papuntang USA pero ayaw siyang payagan ng kanyang mga doctor na bumiyahe hangga`t hindi stable ang kanyang blood  pressure. Twelve  hours  kasi  ang flight hanggang LA (Los Angeles) pero to Houston is another  five  hours. Walang doctor na may gusto kasi baka nga may mangyari, sila pa masisi.

Bago bumiyahe si Kris ay pumirma pa ito ng waiver na anuman ang mangyari  sa kanya sa pagpunta sa Houston ay walang pananagutan

ang kanyang mga doctor. Gerry Ocampo