Private schools na nalugmok ng pandemic kailangan ng tulong

Private schools na nalugmok ng pandemic kailangan ng tulong

September 26, 2022 @ 6:42 PM 2 months ago


NGAYONG aprubado na sa House of Representatives ang budget ng Department of Education, nararapat lamang sigurong ituon ang pagsisikap  ng ating mga butihing opisyal sa pagpapapatupad  ng mga programang magsusulong sa edukasyon sa bansa kabilang na rito ang pagtulong sa mga pribadong eskuwelahan na nalugmok ng pandemya. 

Ayon sa ating Saligang Batas, dapat ay complementary ang public at private education at mangyayari lamang ito pagkatapos ng pandemya kung tutulungan ng pamahalaan ang maraming pribadong paaralan na  kung hindi man nagsara ay talaga namang nagdusa dahil sa hagupit ng pandemya. 

Lubhang mahalaga  sa usaping  ito ang  Private Education  Assistance Committee o PEAC  na siyang tagapangasiwa ng isang malaking pondo para sa edukasyon na ngayon ay pinapamunuan na ni Usec. Densing Efimaco. 

Sa bagong pamumuno ni . Efimaco at ng ating kalihim ng Edukasyon  na si Vice President  Sara Duterte, marami ang umaasang matututukan at mabibigyan na ng pansin ang napakaraming collectibles ng ating mga apektadong eskuwelahan lalo na sa ating mga probinsya. 

Isa na dito ang paaralang Our Lady of Rule sa Cebu  na dumulog sa aming tanggapan para umapela ng tulong sa PEAC at sa ating butihing kalihim para matugunan ang kanilang mga hinaing na inupuan ng dating pamunuan ng PEAC ng ilang taon na. It’s about time na lingunin at tulungan ang mga pribadong paaralan na kumalinga sa  ating mga mag-aaral.

                            —000—000—000—

Para sa inyong mga komento o sumbong, maaari  kayong tumawag o mag text sa ating 1-Ang Edukasyon Party-list Hotline: 0927.930.25.81 at makaka asa  kayo sa agarang tugon ng inyong mga mensahe.