Private sector hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa 74 PPP

Private sector hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa 74 PPP

October 21, 2022 @ 10:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pribadong sektor na maging bahagi sa pagtatayo ng bansa.

Tinukoy ng Pangulo ang kabuuang 74 public private partnerships (PPP) projects na nagkakahalaga ng P2.25 trillion.

“We make a strong push towards infrastructure development with special emphasis once again on public private partnerships in key projects. As of August this year, we already have a total of 74 PPP project in the pipeline with a combined estimated cost of P2.25 trillion,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 48th Philippine Business Conference and Expo sa Maynila.

“But we must do more because we need, I thus invite all of you to take part in the great enterprise of building our nation,” wika pa nito.

Aniya, itinutulak ng kanyang administrasyon ang mas pinalakas pa na business environment at payagan ang business sector na gamitin ang kontribusyon para sa muling pagbubukas ng ekonomiya.

Tinawagan naman nito ang mga stakeholders na magtulungan para makalikha ng mas maraming imprastraktura na magbibigay kapangyarihan at palakasin ang ekonomiya.

“We will need to work together in coming up with more infra project, more energy projects, more projects for our MSMEs, more projects for agriculture. All that will empower and strengthen both our economy and our nation,” ani Pangulong Marcos.

Committed aniya ang pamahalaan na gawin ang bansa na maging “viable option” kapuwa sa local at foreign investors.

“We have tried to foster programs and projects that will shift the contribution to gross domestic product (GDP) not so dependent on the service side but perhaps also the manufacturing side. This will help us also in our trade and as we all know no country grew wealthy except for trade,” anito.

Gagawa aniya siya ng kaukulang hakbang para palakasin ang relasyon ng mga negosyo sa gobyerno, mamimili at publiko.

“Because despite extensive disruptions that we had to endure in the past two years, it has always been the entrepreneurs and the business sector who have steadfastly steered our direction towards economic success. You are the nation’s agents of creativity, innovation, and progress,” ayon kay Pangulong Marcos.

“After today, once deals have been closed, policies have been agreed upon, and bonds have been renewed, forged, all of us can proudly tell the world, the Philippines is indeed open and ready for business again,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose