Private sector, nakikipag-usap sa AstraZeneca para sa suplay sa 2022 – Concepcion

Private sector, nakikipag-usap sa AstraZeneca para sa suplay sa 2022 – Concepcion

December 10, 2021 @ 7:54 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kasalukuyan ng nakikipagnegosasyon ang pribadong sektor sa pharmaceutical giant AstraZeneca para sa pagbili ng isa pang set ng COVID-19 vaccine doses.

Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, ang kanyang non-profit organization Go Negosyo ay nag-organisa ng isang pagpupulong sa pagitan ng mahigit na 350 kompanya at mga opisyal ng AstraZeneca “to streamline initial plans to procure COVID-19 vaccines for 2022.”

Sa meeting o pagpupulong na idinaos noong Disyembre 9, sinabi ni Concepcion na binigyan ng go signal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pribadong sektor na bumili ng AstraZeneca vaccine doses sa susunod na taon.

Nakatakda namang makompleto ng AstraZeneca ang delivery ng mga bakuna sa Disyembre 27 na binili sa ilalim ng tripartite agreement ng “A Dose of Hope” program.

Samantala, sa ilalim ng bagong kasunduan na kasalukuyang napag-usapan kasama ang mga vaccine manufacturer, “there will be a slight increase in the cost for the doses, but the price will already include shipping,” ayon kay Concepcion.

Sinabi pa nito na hindi na nire-require ng AstraZeneca ang upfront payment o ang security deposit.

“During the meeting, AstraZeneca also revealed that it is now working on an updated version of its vaccine, called AZD2816, to address the variants of the SARS-CoV2—the virus that causes COVID-19,” ayon kay Concepcion.

“AZD2816 still uses the same adenoviral vector platform, but now contains 10 changes across the spike protein, many of which are also seen in other variants of concern,” dagdag na pahayag nito.

Ang bagong bersyon ay maaaring gamitin bilang primary dose.

“planning and a proactive approach have resulted in the country’s COVID-19 cases reaching historic lows. The same foresight, can serve well in securing vaccines for 2022,” ani Concepcion.

“Things will change. That’s why we need to ‘VAX to the MAX’ or else our family bubbles and our business bubbles will weaken,” ayon kay Concepcion sabay sabing kailangan ng bansa na makakuha ng booster jabs para sa second half ng 2022. Kris Jose