Prize freeze umiiral pa rin sa mga lugar na nasa state of calamity – DTI

Prize freeze umiiral pa rin sa mga lugar na nasa state of calamity – DTI

January 25, 2023 @ 2:18 PM 2 days ago


MANILA, Philippines – Nananatili pa rin ang prize freeze sa mga 25 lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng northeast monsoon, shear line at low pressure area.

Ito ang ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkules, Enero 25 kung saan sinabi nito na ang presyo ng mga basic necessities ay awtomatikong hindi maaaring gumalaw sa loob ng 60 araw mula nang isailalim ang isang lugar sa state of calamity o hanggang sa alisin mismo ito ng Pangulo.

Matatandaan na maraming mga bayan, lungsod at probinsya sa bansa ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa matinding baha dulot ng malakas na pag-ulan dala ng mga nabanggit na weather system mula pa noong Enero 1.

Ayon sa DTI, patuloy nilang minomonitor ang mga sumusunod na produkto na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon: canned fish, locally manufactured instant noodles, bottled water, tinapau, processed milk, kape, kandila, sabong panlaba at asin.

“Aside from basic necessities, our regional and provincial offices’ monitoring teams also check for the price and supply of other commodities. We urge manufacturers to ensure adequate supply in these areas,,” pahayag ni DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo.

Sa ilalim ng Price Act, haharap sa multang P5,000 hanggang P1 milyon at pagkakulong na mula isang taon hanggang 10 taon ang sinumang mahuhuling lumalabag sa ipinatutupad na price freeze. RNT/JGC