Pro-digitization measures uunahin ng Kamara- Romualdez

Pro-digitization measures uunahin ng Kamara- Romualdez

January 19, 2023 @ 6:25 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na tutukan ng House of Representatives ang pagpasa ng pro-digitalization measures na pangunahing binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang pagdalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

“The House of Representatives remains committed to pass the priority legislations of President Marcos, including measures for digitalization in both government and private transactions that would bolster efficiency, productivity, and security,” pahayag ni Romualdez.

“Establishment of the framework for digital transformation will undoubtedly help to enhance the prospect of the Philippines as an investment hub that President Marcos has successfully built up in Davos,” dagdag pa nito.

Sa darating na Lunes, Enero 23 ay balik sesyon muli ang Kamara at siniguro ni Romualdez na uunahing tatalakayon sa plenaryo ang mga priority measures ng administrasyon.

“Upon the resumption of the session, among the top priorities of the House is the passage of the E-Government and E-Governance Act, which would help accelerate our digital transformation to fuel growth momentum,” dagdag pa nito.

Sa kanyang opening remarks sa Country Strategy Dialogue ng WEF binigyang diin ni Marcos ang kahalagahan ng digitalization bilang key driver para sa long-term development at economic transformation ng bansa matapos ang pandemya.

Si Romualdez ay kabilang sa delegasyon ng Pangulo na dumalo sa WEF, ang 5-araw na forum na dinaluhan ng mga world leaders na nakatakdang magtatapos bukas, Enero 20. Gail Mendoza