Pro-workers bill pinamamadali sa Senado

Pro-workers bill pinamamadali sa Senado

February 15, 2023 @ 3:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umapela si House Committee on Labor and Employment Rep Fidel Nograles sa Senado na paspasan ang pagpasa ng mga nakabinbin na pro-workers bills na naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Respresentatives.

Ang apela ay ginawa ni Nograles upang agad na umanong maramdaman ng mga mangggawang Pinoy ang mas mataas na antas na working conditions sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Partikular na tinukoy ni Nograles ang House Bill No. 1270 o Eddie Garcia Act, na nagsusulong na bigyan ng proteksyon ang mga manggagawa sa movie at television industry sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontrata na nagsasagawa kung ilan oras lamang dapat magtrabaho sa isang araw, mga benepisyong matatanggap at malinaw na job description.

“The bill also states that the employer would be required to adhere to all laws related to workers’ occupational safety and health standards and provide all workers with government-mandated benefits and also provides that workers are entitled to overtime pay if they render their services beyond eight hours, with a maximum extension of only up to 12 hours. Workers are also prohibited from rendering more than 60 hours a week, and their travel time to-and-from work is considered as part of their working hours,” paliwanag ni Nograles.

Gayundin ang House Bill No. 6718 o Freelance Workers Protection Act na para naman sa proteksyon ng nasa 1.5 million freelance workers.

“The bill also prohibits the engagement of a freelance worker without a contract, or delay in payment beyond 15 days from the date stipulated in the contract. Aggrieved parties of such violations can file their complaint with the Department of Labor and Employment through the Undersecretary for Workers with Special Concerns, and may file a civil case,” pahayag pa ni Nograles.

Pinamamadali rin ng solon ang pagpasa sa HB No. 6683 o Enterprise Productivity Act kung saan ang mga establisyimento na mayroong 10 o higit pang mangagawa ay dapat magbigay ng productivity incentive program para sa mga empleyado. Gail Mendoza