Probinsya, 20 bayan sa Region 2 ASF-free

Probinsya, 20 bayan sa Region 2 ASF-free

February 26, 2021 @ 11:50 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN VALLEY, Philippines – Umabot sa dalawampung bayan at isang lalawigan sa buong Region 2 ang nananatiling African Swine Fever-free.

Base sa datos ng Department of Agriculture o DA Region 2, kinabibilangan ito ng mga bayan ng Sta. Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Camalaniugan, Sta. Teresita, Lasam, Rizal, Gattaran, Peñablanca at Calayan sa Cagayan.

Dito sa Isabela, kabilang na ASF-free ang mga bayan ng Divilacan, Maconacon, Dinapigue at Palanan habang sa Nueva Vizcaya ay ang mga bayan ng Bambang, Dupax del Sur at Alfonso Castañeda.

Samantala, nananatili pa rin sa ASF-Free ang lalawigan ng Batanes. Rey Velasco


  •  
  •  
  •