Probisyon ng security of tenure bill nais ni PRRD na itama ng Kamara

Probisyon ng security of tenure bill nais ni PRRD na itama ng Kamara

April 7, 2022 @ 11:25 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na itatama ng Kongreso ang vetoed provisions ng security of tenure bill.

Sa kabila ng pangakong tutuldukan ang labor contractualization noong panahon ng presidential campaign, bineto (vetoed) ng Pangulo ang security tenure bill noong 2019.

“[T]he Chief Executive explained that the version submitted by Congress ‘unduly broadens the scope and definition of prohibited labor-only contracting, effectively proscribing forms of contractualization that are not particularly unfavorable to employees involved,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar.

“The President hopes that Congress would rectify the vetoed provisions as he remains committed to eradicating all forms of abusive employment practices and protecting the workers’ right to security of tenure,” dagdag na pahayag nito sabay sabing nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 51 na nagbabawal sa illegal labor contracting at subcontracting subalit pinapayagan ang ilang uri ng kontraktuwalisasyon. Kris Jose