Problema sa droga, ‘di ligtas na lansangan lumalala sa Marcos admin – sarbey

Problema sa droga, ‘di ligtas na lansangan lumalala sa Marcos admin – sarbey

February 9, 2023 @ 8:08 AM 2 months ago


MANILA, Philippines — Maraming mga Pilipino ang nakadama na ang mga lansangan ay nagiging hindi ligtas at ang problema sa droga ay lumala sa ilalim ng bago at kasalukuyang administrasyon, sabi ng Social Weather Stations.

“Crime victimization and neighborhood fear are on the rise,” ayon sa SWS.

Ang SWS ay nagsagawa ng kanilang pinakabagong survey noong Disyembre 10-14, 2022 na may 1,200 adult na respondent.

Sa mga respondent, 60 porsiyento ang sumang-ayon sa pahayag na “people are usually afraid that robbers might break into their houses.”

Gayundin, 50 porsiyento ang sumang-ayon na “karaniwang natatakot ang mga tao na maglakad sa mga lansangan sa gabi dahil hindi ito ligtas.” Ngunit, sa kabaligtaran, 40 porsiyento ay sumasang-ayon din sa pahayag na “there are already very many people addicted to banned drugs.”

Sinabi ng SWS na bumaba ang “neighborhood fears” noong 2021 o sa panahon ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila nito, lumabas din sa kaparehong survey na ang gobyerno sa ilalim ni Marcos ay nakakuha ng “magandang” rating na +46 sa pakikipaglaban sa iligal na droga. RNT