Problema sa Valenzuela-Meycauayan trike route tutugunan

Problema sa Valenzuela-Meycauayan trike route tutugunan

February 20, 2022 @ 1:44 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nangako si outgoing Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ng “win-win solution”sa problema sa ruta ng mga tricycle sa hangganan ng Meycauayan at Valenzuela.

Kaugnay nito ay nakipagpulong ang alkalde kay Meycauayan Mayor Linabelle Villarica at Cong. Henry Villarica para matugunan ang suliranin.

“In a couple of days we’ll solve this once and for all. We’ll make sure na maaayos na eto. Eto yung problema kung hanggang saan pwede bumiyahe mga tricycles ng dalawang cities. Walang hindi napag-uusapan. We will find a solution very, very soon,” ani Gatchalian.

“We have been finding ways to balance commuter comfort lalo na sa mga seniors, pregnant, PWD, commuters na maraming bitbit na gamit, and tricycle livelihood,”dagdag pa ng alkalde.

Mula umano sa sa river ways, traffic management, at ngayon ruta ng tricycle, nagtutulungan umano ang dalawang “magkapatid” na lungsod na pareho ang mga problema at isyung kinakaharap.

“Ang routes and areas na concern natin —Tugatog, Veinte Reales, then Phase 5 Natividad Homes, and Greenmeadows-SMBAPI Punturin. We’ll find a solution na acceptable to all,” ani Gatchalian. Merly Iral