Proclamation rally sa Taguig pinangunahan ni Cayetano

Proclamation rally sa Taguig pinangunahan ni Cayetano

March 26, 2022 @ 11:09 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Iprinoklama kagabi sa Lakeshores C-6 Road Lower Bicutan Taguig City ang mga Lokal na mga kandidato ng lungsod na tinawag nilang TLC o Team Lani Cayetano.

No description available.

Pinangunahan ni dating House Speaker at Senatorial Candidate Cong. Alan Peter Cayetano ang pagproproklama sa mga Lokal na kandidato ng Taguig City na sina sa Cong. Lani Cayetano na tatakbong alkalde, Councilor Arvin Alit at mga tatakbong councilor ng 1st district na sina:

1st District

  • Raul Aquino

  • Gigi De Mesa

  • Jimmy Labampa

  • Totong Mañosca

  • Tikboy Marcelino

  • Carlito Ogalinola

  • Atty. Joy Panga-Cruz

  • Gamie San Pedro

Sa 2nd District naman ang mga tatakbong councilor ay sina:

  • Marisse Balina-Eron

  • Edgar Baptista

  • Jaime Garcia

  • Yasser Pangandaman

  • Alex Penolio

  • Ed Prado

  • Jomil Serna

  • Nicky Supan

Tatakbo naman na Congressman ng 1st district ay si dating Vice Mayor Ading Cruz at sa 2nd District ay si Pammy Zamora.

No description available.

Bukod dito inindorso rin ng Team Lani Cayetano ang dalawang Party List ang Yakap Party List at Luna’s Party list.

Sa kanyang talumpati nagpasalamat si Lani Cayetano sa suporta ng mga kababayan at higit sa lahat ang suporta na ibinigay ng kanyang inspirasyon nasi Senatorial Aspirant Cong. Alan Peter Cayetano.

Tinitiyak naman ni Lani na mas lalo nilang palalaguin ang pag-unlad ng lungsod ng Taguig sa ilalim ng kanyang pamumuno.

No description available.

Nagpasalamat naman si Lani sa kanyang bayaw nasi Mayor Lino Cayetano sa maayos na pamamalakad ng Taguig at sa matagumpay na pagtugon sa pandemya dulot ng Covid 19.

Todo rin ang pasasalamat ng first nominee ng Luna’s Party list nasi Brian Yamsuan sa pag-endorso sa kanila ng Team Lani Cayetano at ni Sen. Alan Cayetano.

Binanggit din ni Yamsuan sa panayam na kanyang ipa-prayoridad ang informal sectors tulad ng mga drivers, musikero, vendors at iba pa na mga hanay ng no work no Pay sakaling palarin na manalo sa halalan.

Bukod kay Cayetano dumating din sa proclamation rally si Senador Francis Tolentino para ipakita ang kanyang suporta sa kakayahan ng Team Lani Cayetano na mas mapapaunlad pa ng husto ang lungsod ng Taguig. RNT