Producers sa PH gov’t: Bagong Sugar Regulatory Administration officials italaga na

Producers sa PH gov’t: Bagong Sugar Regulatory Administration officials italaga na

July 11, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dapat nang magtalaga ng pamahalaan ng mga bagong opisyal sa Sugar Regulatory Administration (SRA) upang matugunan ang pagtaas ng presyo ng asukal sa bansa, ayon sa grupo ng sugar producers nitong Lunes.

“Ang gawin natin dapat ‘no, ang gobyerno, we’re suggesting po, na unang-una, imamadali nila yung appointment ng bagong SRA, para nga yung new appointees po will draft immediately a sugar order to import additional 250,000 metric tons para maipasok kaagad sa ating bansa,” ani United Sugar Producers Federation president Manuel Lamata.

“And yun, exclusive ilagay, exclusive for the taumbayan, exclusive para sa mga merkado, palengke,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Lamata na kinakailangang magsagawa ng mga opisyal ng pamahalaan ng inventory o survey sa suplay ng asukal sa bansa.

“Simultaneous with that sugar order, they will conduct, they should conduct a national survey po sa lahat ng bodega, lahat ng sugar mill, (kung) talaga magkano ang ating stock para malaman nila,” aniya.

Nauna nang inihayag ni Lamata na sapat pa rin ang suplay ng asukal sa bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo nito. RNT/SA