Producers, sellers ng pekeng gamot ipinahahanap ni Mayor Isko

Producers, sellers ng pekeng gamot ipinahahanap ni Mayor Isko

January 22, 2022 @ 2:36 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Inatasan na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang  Manila Police District (MPD) to na arestuhin ang nasa likod ng produksyon ng mga pekeng gamot sa kanilang lugar.

Sa command conference, pinahahanap na ni Domagoso kay MPD Director Leo Francisco at police commanders ng 11 city police stations kung sino ang utak ng naturang aktibidad.

“Etong mga tolongges, etong mga talipandas na ito na ginagahasa ‘yung kahinaan ng sitwasyon na nagbebenta ng mga fake medicine,” lahad ni Mayor Isko.

Kaugnay rito ang pagkaaresto kay Monique Gamboa sa ikinasang test-buy operation sa Sta. Cruz, Manila kung saan naaktuhang nagbebenta ng pekeng gamot ng Unilab.

Tinatayang 18,000 tableta ng Bioflu at kahon ng Neozep na nasa P1.1 milyon ang nasabat kay Gamboa.

“Through the effort of MPD nakuha natin ‘yung mga binebenta online,” pagpapasalamat ni Isko.

Samantala, nagbitaw rin ito ng babala sa mga mamimili.

“Nanawagan ako na huwag basta-basta bumibili ng mga online na Paracetamol kasi there was a time as you all know, about two weeks ago, nagka-ubusan ng Paracetamol at Vitamin C.” RNT/FGDC