Produksyon ng asin sa bansa lumalamya – Villar

Produksyon ng asin sa bansa lumalamya – Villar

January 18, 2023 @ 4:55 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Lumalamya na ang lokal na produksyon ng asin sa bansa sa kabila ng pagkakaroon ng Pilipinas ng pinakamahabang baybayin sa mundo.

Ito ang sinabi ng ilang senador nitognn Miyerkules, Enero 18 kung saan sinabi ni Senador Joel Villanueva na ang pag-aangkat ng bansa sa asin ay umabot na sa 93% ng kabuuang requirements nito habang ang export naman ay nasa $200,000 lamang nitong 2021.

“Talagang may demand ang salt, pero wala tayong production,” ani Villanueva.

Ipinunto naman ni Senador Cynthia Villar na bumagsak ang produksyon ng asin sa bansa sa halos 40,000 metric tons mula sa 240,000 metric tons na naitala noong 1960s hanggang 1970s.

Isinisisi ng kapwa mambabatas ang paghina sa sektor na ito dahil sa Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN Law) na naipasa noong 1995 na nag-oobliga sa mga producers na i-iodize ang mga asin na inilalabas nito.

“Klaro na mula nung pinasa ‘yung ASIN law, lalong nag-deteriorate ‘yung production ng asin at lalong lumaki ang importation ng asin,” sinabi pa ni Villanueva.

Ipinunto rin niya na bago ipasa ang ASIN law, 85% ng salt requirements ng bansa ay locally produced.

Sinupalpal naman ni Villar ang agriculture authorities na dumalo sa pagdinig at sinabing dapat ay nagbigay ang mga ito ng training sa mga magsasaka para matutunan ang iodization.

“You have to understand our small farmers, they are not as well-educated as you are,” ani Villar.

“You let the whole industry deteriorate,” dagdag pa ng Senador.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang pangulo ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc.
na si Dr. Danilo Fausto, sa proposed Philippine Salt Industry Development and Revitalization Act na naglalayong padamihin ang mga salt farm sa bansa.

“Ngayon nasa 2,000 hectares ang salt farms natin. Kailangan natin ay 19,000 hectares para maging sufficient,” pahayag ni Fausto. RNT/JGC