Produksyon ng kambing at kalabaw sa NegOcc pinalakas

Produksyon ng kambing at kalabaw sa NegOcc pinalakas

August 5, 2022 @ 1:53 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Umarangkada na ang produksyon ng kambing at kalabaw sa Negros Occidental.

Ito ay matapos magsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) katuwang ang  Philippine Carabao Center ng dalawang (2) araw na pagsasanay sa produksyon ng paghahayupan upang mapabuti ang produktibidad ng kambing at kalabaw bilang pinagkukunan ng karne at gatas na ginanap sa Barangay Bacong, Bago City.

Ayon kay DAR Western Visayas Regional Director Atty. Sheila B. Enciso ang pagsasanay ay naglalayon na turuan ang mga magsasaka sa produksyon ng kambing at kalabaw at mabigyan sila ng angkop na pamamaraan sa produksyon na magpapalaki ng kanilang kita.

Kaugnay nito kumpiyansa si Enciso na ang pagsasanay ay makatutulong sa kanilang lalawigan sa pag-angat ng katayuan ng industriya ng kambing at kalabaw. Kinilala niya ang PCC sa pagbibigay ng kinakailangang tulong teknikal sa mga magsasaka ng lalawigan.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ng DAR at PCC sa dalawampu’t limang (25) agrarian reform beneficiaries (ARBs) na miyembro ng Bacong Gustilo Farmers Association (BGFA), ay kinabibilangan ng mga kaalaman sa produksyon ng kambing at kalabaw at mga pamamaraan sa pagpaparami nito.

Samantala, sa pamamagitan ng teknikal na pagsasanay na ito, nalaman ng mga magsasaka ang napakaraming potensyal na kita sa mga produkto ng pag-gawa ng gatas sa kalabaw kumpara halimbawa kung gagamitin lamang ito bilang mga hayop na nagtatrabaho sa bukid.

Nangako si PCC center director Maam Eva Rom na magbibigay sila ng suportang serbisyo sa BGFA at partikular na inimbitahan ang mga miyembro nito na bumisita sa La Granja stock farm sa La Carlota City upang saksihan ang proseso ng paggatas ng mga kalabaw.  Santi Celario