Produksyon ng manok bumubuti na – BAI

Produksyon ng manok bumubuti na – BAI

July 12, 2022 @ 6:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bumubuti na ang lokal na produksyon ng manok, ayon sa opisyal ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) nitong Martes.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DA-BAI officer-in-charge Reildrin Morales sna nakipagpulong ang ahensya sa broiler industry at fast-food chain stakeholders upang talakayin ang isyu na nakaaapekto sa sektor, lalo na ang mababang produksyon habang mataas naman ang demand.

“Kausap natin kahapon kasama ang stakeholders ng broiler industry at sinasabi nilang gumaganda na po ang production cycle,” pahayag ni Morales.

Samanatla, sinabi rin ng DA-BAI official na nilinaw na ng fast-food chains na sapat ang suplay ng manok subalit hindi pasok kalidad nito sa kanilang specifications.

Inihayag ni Morales na ang mababang local production ay dulot ng ilang dahilan gaya ng Russia-Ukraine conflict na naging dahilan ng pagtaaas ng presyo ng raw materials na ginagamit sa paggawa ng patuka, banta ng avian influenza, at papago-bagong panahon.

“Tingnan po natin ang harvest nitong July-August… kasi ang sinasabi ng ibang kompanya nasa full capacity naman daw po ang farms and tingnan natin ang darating na cycle. hopefully makahabol ang suplay sa mataas na demand,” pahayag ni Morales. RNT/SA