Produksyon sa agrikultura numipis sa 1.7% sa 2021

Produksyon sa agrikultura numipis sa 1.7% sa 2021

January 28, 2022 @ 8:09 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang produksyon sa agrikultura ng Pilipinas noong 2021 matapos na makapagtala lang ng saktong output sa ikaapat na kwarter na taon, ayon sa Statistics bureau ng bansa.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority na nasa 1.7% annual contraction lang ang naitala sa sektor ng agrikultura noong nakaraang taon

Para sa ikaapat na kwarter ng 2021, ang agricultural production ay may kabuuang halaga na ₱560.39 bilyon pagdating sa kasalukuyang halaga. Katumbas ito ng 0.6% annual growth.

Crops, which comprise nearly two-thirds of output, expanded by 2.6% from October to December. The PSA noted that palay (unmilled rice) production inched up by 0.2% and corn output by 28.6%.

Ang mga pananim tulad ng cacao, coconut, tobacco, eggplant, at cassava ay nakitaan din ng output grow sa nasabing kwarter. Sa kabilang banda ang mga pananim tulad ng onions abaca, potato, coffee, at cabbage ay bumaba ang produksyon.

Ang livestock, pangalawa sa contributor ng overall agricultural output, ay bumulusok din ang produksyon sa 9.7% bunsod ng epekto ng African swine fever, habang ang carabao, goat, dairy, at cattle production ay tumaas.

Ang poultry produksyon ay tumaas ng 2.7%; ang chicken eggs production ay tumaas din gn 12.7%; habang bumaba naman ang duck production.
Pagdating sa palaisdaan, tumaas ang produksyon nito ng 1.4%. Sa alimasag naitala ang pinakamataas na output sa 33.1% habang ang produksyon ng tilapia, talakitok (cavalla), alimango (mudcrab), at lapu-lapu ay tumaas din.

Sa kabila ng manipis na production growth sa iba’t ibang produkto, may mga natamong panalo naman sa industriya noong 2021, base sa hiwalay na pahayag ng Department of Agriculture.

“Amid the COVID-19 pandemic, mobility restrictions, and losses due to Typhoon Odette in December 2021, totaĺ annual palay production registered an all-time high of 19.96 million metric tons (MMT), 3.4% more than the previous record of 19.29 MMT, based on PSA estimates,” ayon sa kagawaran.

Sinabi pa ni DA Secretary William Dar na ang output “could have easily breached” ang 20 MT mark kung hindi lang dahil sa Typhoon Odette, na sumira sa 130,000 MT ng palay.

Ang corn production ay nakapagtala ng 8.3 million MT noong nakaraang taon, mas mataas kumpara sa 2020.

“Overall, we will remain focused in the implementation of our planned programs and projects in the remaining months of the Duterte administration, as we bequeath a solid foundation and legacy to the succeeding leadership,” ayon sa Agriculture chief. RNT