Produktong palm oil umaarangkada!

Produktong palm oil umaarangkada!

March 2, 2023 @ 12:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaarangkada na sa agrikultura ng pagnenegosyo ang palm oil products bukod sa murang presyo nito ay may maganda rin itong benepisyo sa kalusugan.

Ayon sa palm oil business industry group, unti-unti nang sumusulong ang negosyo ng palm oil sa bansa at tinatayang makapagbibigay ito ng magandang epekto sa ekonomiya ng bansa na makabangon sa pandemya.

Sinabi pa ng Palm oil group na ginagamit ito araw-araw na vegetable oil sa mga bahay maging sa mga fast-food restaurant na mula sa palm tree ay gamit din sa mga bagay tulad ng personal care items, biofuels maging sa mga animal feeds.

Ayon pa sa naturang grupo, sa supermarket at maging sa mga sari-sari store ay mas mabibili ng mura ang palm oil.

Idinagdag pa na ang palm oil ay mayaman sa vitamin A at vitamin E na mabisang pampalakas ng resistensya maging sa mata ng isang tao.

Nagtataglay din ito ng malakas na antioxidant na nagbibigay-proteksyon sa katawan at panlaban sa stress.

Ayon sa pag-aaral na nalathala sa Nutrients Journal, ang palm oil ay mabisa sa healthy diet kung saan hindi ito nagdadagdag ng cholesterol levels at nagbibigay-tulong para mapalusog ang puso ng tao.

Tulad sa Malaysia at Indonesia, ang produksyon ng palm oil ay nagbibigay ng malaking porsyento ng trabaho sa mga mamamayan nito, kaya makabubuti din ito sa ating bansa na makapagbigay ng libo-libong trabaho.

Patuloy ang pagtaas ng global demand ng palm oil sa buong mundo kaya nararapat na bigyan ng importansya din sa bansa ang naturang produkto. Santi Celario