Produktong sabon at de lata, tumaas ang presyo-DTI

Produktong sabon at de lata, tumaas ang presyo-DTI

July 6, 2018 @ 4:26 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Ipinahayag nang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na tumaas ang presyo ng mga sabon at de lata ngayong buwan.

Ayon sa DTI, tumaas ng P0.50 sentimos ang Suggested Retail Price (SRP) ang isang brand ng sabon panlaba gayundin ang mga de lata tulad ng sardinas, corned beef at maging ang papel ay tumaas din.

Nito lamang buwan ng Hunyo, ang dating presyo ng meat loaf ay P16.75 ngunit ngayon ay nasa P17.45 na, corned beef P29.50 ngayon ay P30.95, sardinas P13.45-P14.00, condensed milk P54.50-P56-50 at evaporated milk P39.50- P40.50.

Dagdag pa ng DTI, noong Enero ay hindi nagtaas ng presyo ang ilang manufacturer, bagama’t may ilang mga nagtaas na dahil hindi na umano nilang kayang indahin sabay pa ang pagtaas ng presyo ng mga raw materials at paghina ng piso kontra dolyar.

Samantala sinabi ng DTI hindi pa nagtaas ang ilang supermarket ng presyo dahil lumang stock pa ang kanilang ibinebenta at magpatupad lamang sila ng pagtaas sa oras na bumili na sila ng mga bagong paninda. (Jay Reyes)