Prof: Adamson labas sa Salilig hazing-slay

Prof: Adamson labas sa Salilig hazing-slay

March 8, 2023 @ 11:47 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang pananagutan ang Adamson University sa pagkamatay ng chemical engineering student na si John Matthew Salilig mula sa umano’y hazing rites ng Tau Gamma Phi fraternity, ayon sa isang propesor noong Miyerkoles.

Ayon sa propesor ng AdU na si Dr. Julius Estampador, ang Tau Gamma Phi ay hindi kinikilala ng unibersidad at ang insidente ay naganap sa labas ng lugar ng paaralan.

“What Mat Salilig did and those who did the crime are on them,” ani Estampador sa interbyu sa ANC. “The school has no liability in my opinion because they were told fraternities are not allowed and hazing is illegal.”

Sinabi pa ni Estampador na ilang estudyante ang na-expelled dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga aktibidad na may kinalaman sa fraternity.

Para sa abogadong si Jan Nelin Navallasca, ang student affairs director ng AdU, hindi sila nagkulang sa pagpapaalam sa mga estudyante na bawal ang mga fraternity.

“We have not been remiss of our obligation to tell them that fraternities are not allowed. Don’t join this unrecognized organization,” giit ni Navallasca.

Matatandaang sinabi ng pulisya na 22 indibidwal ang sangkot sa pagkamatay ni Salilig.

Anim na miyembro ng Tau Gamma Phi ang kinasuhan habang patuloy ang paghahanap sa iba pang miyembro ng fraternity.

Sa medico-legal examination, nalaman na namatay si Salilig dahil sa matinding blunt force trauma sa lower extremities. RNT