Profiling sa mga Dengvaxia vaccinee, isinagawa ng DOH

Profiling sa mga Dengvaxia vaccinee, isinagawa ng DOH

August 1, 2018 @ 3:47 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagsasagawa na ang Department of Health (DOH) ng profiling ng Dengvaxia cases sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ng Calabarzon o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon.

Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, layunin nito na matunton ang lokasyon ng mga Dengvaxia vaccine recipients at makapag-establisa ng post vaccination baseline database na magagamit nila sa monitoring ng health status ng mga pasyente.

“The profile of the recipients and their scheduled physical examination will generate evidence-based intervention needed for their evaluation. An individual’s health profile is important to manage the health information that will include a comprehensive summary of their medical or health history. This must include personal health history, medical conditions, medications and emergency contact information. It will help health workers to clearly organize critical information of every Dengvaxia vaccinee,” ani Janairo.

“Without proper action, the Dengvaxia confusion in the country will continue to bring scare and panic not only to affected individuals and their families but also to the rest of the country,” aniya pa.

Nabatid na mahigpit nang regular na iminu-monitor ng regional office ang mga Dengvaxia recipients upang mapagkalooban ang mga ito ng kinakailangang medical support.

Nagtalaga rin sila ng parent leaders sa iba’t ibang lalawigan para magbigay ng karagdagang suporta sa reporting at monitoring ng mga vaccinees sa kani-kanilang lugar.

Batay sa tala ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), may kabuuang 16,694 Adverse Event Following Dengvaxia Immunization (AEFDI) mula December 1, 2017 hanggang July 27, 2018 sa rehiyon.

Mayroon na ring naitala na 52 na namatay.

Karamihan sa mga kaso o 8,553 ay pawang babae.

Ang Laguna ang may pinakamaraming bilang ng naiulat na AEFDI cases na may 4,998 (30%) cases, kasunod ang Batangas na may 4,476 (27%), Cavite – 3,336 (20%), Quezon – 2,399 (14%) at Rizal – 1,486 (9%).

Nasa 1,405 AEFDI cases ang na-admit sa pagamutan at ang 321 (23%) sa mga ito ay na-diagnosed na may Dengue fever.

Ayon kay Janairo, target nilang matapos ang profiling ng mga pasyente bago matapos ang taong ito.

“We will work to complete the profiling of patients before the end of this year to be able to have an accurate data and be able to know where to locate each recipient and improve our ability to manage them efficiently and avoid potential hazards to their health,” pagtiyak pa ni Janairo. Macs Borja