Programa ng RevGov, isinumite na kay PRRD

Programa ng RevGov, isinumite na kay PRRD

October 21, 2020 @ 3:08 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagsumite na ang People’s National Coalition For Revolutionary Government and Charter Change ng sampung (10) pangunahing programa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa liham na isinumite ni Bobby Brillante, secretary-general ng Coalition, nakasaad ang sampung programa na isasagawa ng revolutionary government sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte bilang pinuno ng rebolusyonaryong gobyerno.

Pangunahin sa programa ang pagpapakulong sa mga magnanakaw sa gobyerno at palilitis sa kanila sa loob lamang ng anim (6) na buwan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Office of the Ombudsman sa mga lalawigan at pagkakaroon ng Sandiganbayan sa bawat rehiyon sa buong bansa.

Ito lamang ang tangi at mabilis na paraan upang maitigil ang korapsyon at malinis ang ating pamahalaan batay sa pahayag ni Brillante.

Kabilang din sa programa ay ang pagbuwag ng political dynasty na nagiging ugat ng mga nakawan sa lahat ng sangay sa gobyerno dahil sa mga pamilya or mag-anak na nasa sa pamahalaan.

Isa sa bawat pamilya lamang ang papayagan na manungkulan sa gobyerno at ito ay mapapaloob sa bagong konstitusyon o saligang batas na isinumite sa Pangulong Duterte.

Sa pagtigil ng kriminalidad at iligal na drogra naman, ang revolutionary government magtatatag ng bagong National Police Commission ng pamumunuan ng mga batikang abogado at retiradong justices or mahistrado ng Court of Appeals at Supreme Court upang masiguro ang pagdisiplina sa mga tiwaling pulis at matiyak ang katapatan at integridad ng kapulisan.

Kasunod nito ay umapela ang Coalition sa pamamagitan ni Brillante na pamunuan ni Pangulong Duterte ang Revolutionary Government at huwag tatalikdan ang taumbayan sa hangad ng tunay na pagbabago dahil si Pangulong Duterte lamang ang may sapat na tapang at malasakit sa bayan at pagmamahal sa mamamayang Pilipino. RNT/Cesar Morales


  •  
  •  
  •  

Loading...