Programa vs VAWC suportado ni Mayor Olivarez 

Programa vs VAWC suportado ni Mayor Olivarez 

November 26, 2022 @ 12:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez ang kanyang buong suporta sa programang “Juana Be Wais: Communicating Violence Prevention” ng City Health Office (CHO) upang maiangat ang kaalaman ng awareness on violence against women and children (VAWC).

Ang programang “Juana Be Wais: Communicating Violence Prevention” ay inilunsad sa pangunguna ni CHO Head Dra. Olga Virtusio na ginanap sa Greenheights Ave. San Isidro, Parañaque City.

Sinabi ni Olivarez na ang lokal na pamahalaan ang namamahala din sa “Women Crisis Center” na matatagpuan sa Bulungan (Fisherman’s Wharf), Barangay La Huerta na pinangangasiwaan ng mga lisensyadong social workers.

Inimbitahan din ni Olivarez ang lahat ng kababaihan na makibahagi sa skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga barangay sa lungsod.

Ayon kay Olviarez, ang mga residente na nagnanais na makatapos ng kanilang edukasyon at makukuha ng college degree ay maaaring mag-enroll sa Parañaque City College (PSC) o dili kaya ay sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Parañaque branch.

Kamakailan lamang ay lumagda din si Olivarez sa “Pledge of Commitment: Wakasan ang Karahasan” na matuloy sa pagbibigay ng suporta para sa proteksyon at Karapatan ng mga kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kanilang obligasyon upang makaiwas sa lahat ng anumang uri ng karahasan.

Kasabay nito ay nagsagawa naman ang mga opisyal ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na sina Dr. Pauline Navarro at Lt. Joselyn Sibal ng isang seminar tungkol sa Karapatan ng mga kababaihan at kabataan. James I. Catapusan