Programang ‘Bisikleta Kontra Droga’, ‘Tour of the Fireflies umarangkada!

Programang ‘Bisikleta Kontra Droga’, ‘Tour of the Fireflies umarangkada!

November 14, 2022 @ 7:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pasado alas-5 ng umaga, pumadyak na ang tropa ng kapulisan sa pangunguna ni PNP Chief. Rodolfo Azurin Jr., Manila Police District Director Andre P. Dizon  General Gilbert Cruz (retired) kasama ang mga biker sa programang ‘Bisikleta Kontra Droga’, na isinusulong na mag-ehersisyo sa halip na magbisyo.

Kasunod nito, mahigit 2000 bikers ang lumahok at pumadyak sa isinagawang ‘Tour of the Fireflies’ mula ASEANA MOA paikot ng lungod ng Pasay, Manila, San Juan, Mandaluyong, Makati pabalik ng Mall of Asia. Ito ay ginagawa upang ipakita sa publiko na ang bisikleta ay isang uri ng trasportasyon na eco-friendly at isa pang ehersisyo na mabuti para sa katawan. Crismon Heramis