Programang DepEd TV palalawigin pa

Programang DepEd TV palalawigin pa

October 14, 2021 @ 6:58 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila – Tinitingnan ng Department of Education (DepEd) na palawigin pa ang programang DepEd TV matapos makapagtala ng 13.91 milyong mag-aaral na nakapag-access ng programa nitong nakaraang taong panuruan.

“We emphasize the need to maximize the use of DepEd TV as part of the learning delivery modalities under the Basic Education Learning Continuity Plan as this is one of the most widely available modalities for distance learning,” pahayag ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua nitong Huwebes.

Kaagapay ng ahensya ang “DepEd TV” sa pagtuturo sa mga mag-aaral at pagbibigay-daan sa kanya-kanyang paraan ng pagkatuto.

Ipinapalabas ang mga ang programa sa iba’t ibang istasyon sa mga rehiyon sa buong bansa kung saan bawat episode ay idinisenyo sa paraang makukuha at mapapanatili ang interes ng mag-aaral habang inaabot ang target competency.

Naglabas naman ang Offices of Undersecretaries for Administration, Curriculum and Instruction, and Field Operations ng Joint Memorandum No. 002, s. 2021 na hinihikayat ang lahat ng regional at division personal na aktibong ipalaganap ang panonood ng DepEd TV at DepEd Radio (Radio-based instruction), katuwang ng iba pang distance learning modality upang mas palawakin ang

Hiniling din ng DepEd sa mga gurong magpasa ng quarterly report tungkol sa paggamit ng DepEd Tv bilang paraan ng pagtuturo sa new normal. 

Gagamitin ang mga ito upang suriin kung epektibo ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

“The information we will gather from the reports of our teachers will aid in the development of the alternative solutions and enhancements for our programs to reach out to more learners and teachers, particularly those who do not have access to the internet,” giit ni Pascua.


  •  
  •  
  •