Progreso ng 41K barangay drug council susuriin ng DILG

Progreso ng 41K barangay drug council susuriin ng DILG

March 24, 2022 @ 10:10 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – May kabuuang 41,906 Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa buong bansa ang nakatakdang i-assess ng Department of the Interior and Local Government (DILG) simula Abril 1, 2022 para i-monitor ang kanilang progreso at paghusayin ang implementation, monitoring, at ebalwasyon ng anti-illegal drugs activities sa kani-kanilang mga lugar.

“BADACs have a critical role in the whole-of-government approach in countering the proliferation of illegal drugs in the communities. The assessment of BADACs starting on April 1 is a necessary calibration to ensure that each BADAC is not only organized but also functioning and meeting the standard set by the national government,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

“The Duterte administration is resolute in its anti-illegal drugs campaign down to the communities until the last day of his term, and guaranteeing BADACs are well-oiled or smoothly functioning and assessing their progress are contributory to protecting communities against illegal drugs and their perpetrators,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi ni Año sa pamamagitan ng kanyang advisory, kailangang i-assess ng DILG Regional Offices (ROs) ang kahit papaano ay 93% ng BADAC sa lugar na sakop ng kanilang hurisdiksyon upang i-gauge o sukatin ang kanilang ‘level of performance’ sa pagpapatupad ng mga programa at magtatag ng mga hakbangin laban sa ilegal na droga.

Sinabi ng National Barangay Operations Office (NBOO) ng DILG na mayroong 41,906 BADAC sa buong bansa kung saan ang Luzon ang may hawak ng “most number”na 20,440 na sinundan ng Visayas na may 11,413 at Mindanao na may 10,053.

Hinggil naman sa iba’t ibang Alert Levels na kasalukuyang ipinatutupad sa bansa, sinabi ng Kalihim, sa mga barangay sa ilalim ng Alert Levels 3, 4 at 5, ang assessment ay kailangan na i-put on hold o itigil at magpapatuloy lamang sa oras na ang mga lugar ay nasa ilalim na ng Alert Level 2 pababa.

“We must adapt as the COVID-19 pandemic is still within our midst. BADAC assessment must take a pause kung mataas ang kaso ng COVID-19 sa lugar,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Año na ang provincial, city o municipal audit reports ay kailangan na isumite sa DILG RO bilang konsiderasyon sa deadline na itinakda ng DILG Central Office ukol sa submission o pagsusumite ng Regional Summary Report sa NBOO bago o sa mismong araw ng Hulyo 15, 2022. Kris Jose