Project manager, binaril-patay!

Project manager, binaril-patay!

April 24, 2022 @ 10:26 AM 2 months ago


ILAGAN CITY – PATAY ang isang Agro-forestry plantation Project Manager matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Armando Mateo, 61 anyos, may-asawa, at residente ng Marana 1st, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Ilagan City Police Station, naganap ang krimen hapon ng Sabado (Abril 23, 2022) sa Sitio Pulang Lupa, Bintacan,Ilagan City .

Sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang hammer-type na jeep patungo sa agro-forestry plantation sa naturang lugar para magpa-sweldo sa mga kanyang mga tauhan.

Pagsapit sa nasabing lugar bigla na lamang siyang pinaulanan ng bala ng baril at tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek. Mary Anne Sapico