Projects ni Ruru sa GMA, pinamigay!

Projects ni Ruru sa GMA, pinamigay!

December 5, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Probably the most enviable Kapuso actor sa pagsalubong sa 2023 ay si Ruru Madrid.

Sa taong ito kasi muling bubuksan ang ikalawang aklat ng pinagbibidahan niyang Lolong mula sa ideya ng mga taga-GMA Public Affairs Department.

May kabuntot ang buong pamagat nito as in it is going to be Lolong: Ang Luha ng Unang Atubaw.

Sa mga sumubaybay ng naturang kuwento, Lolong follows the story of the Atubaws who avenge ‘yung sinapit nilang kalupitan noong araw.

Ruru who plays Lolong is a surviving member of the clan.

Bukod dito, GMA is capitalizing on the real-life tandem of Ruru and Bianca Umali.

The pair topbills The Write One, isang romantic drama which is a collaboration between the network’s news department and an online platform.

May mga nakalinya pa sanang proyekto kay Ruru tulad ng Black Rider at Sireno.

Pero may agam-agam ang network na baka pagmulan ito ng intriga among Kapuso actors.

Lest the GMA be accused of favoritism or leanings toward Ruru ay posibleng ibang aktor ang kuning mga bida sa nabanggit na projects.

Particularly on The Write One, tila may halong fantasy ito dahil may kasamang magic typewriter sa kuwento.

‘Yun nga lang, maitatanong kung bakit hindi laptop o computer ang may magic sa halip na makinilya?

Nasa age na raw kasi tayo ng makabagong teknolohiya, unless may pagka-period ang kuwento.

Anyway, katunog naman ng pamagat kung paano ilarawan ni Ruru ang kasintahan bilang “the right one.”

Aminado si Ruru na masaya siyang gumigising dahil kay Bianca.

Matatandaang liberating ang feeling ni Ruru nang aminin niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho na may apat na taon na raw nilang inililihim ni Bianca ang kanilang relasyon. Ronnie Carrasco III