Proklamasyon ng mga waging senador inaasahan ngayong linggo – Casquejo

Proklamasyon ng mga waging senador inaasahan ngayong linggo – Casquejo

May 10, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections Commissioner Marlon Casquejo nitong Martes na inaasahan ng poll body na maipoproklama ang mga nanalong senador at party-list groups para sa Halalan 2022.

Bilang National Board of Canvassers (NBOC), nauna nang kilalanin ng Comelec ang mabilis na transmissionng of election results, at sinabing ito na ang pinakamabilis nang simulan sa bansa ang automated elections.

“Kasi may mga iba kasi CBOC hindi rin sila makapag-transmit kasi hindi kumpleto so the basis of proclamation of our senators and even party-list is the transmitted result from the PBOC, or CBOC to the NBOC. Kapag nakapagtransmit na sila then we can proclaim the winning senators and partylist,” ani Casquejo sa press briefing.

“Kakayanin natin within this week kung pwede. Hopefully this week kung kakayanin magproproclaim na tayo,” dagdag pa niya.

Samantala, balik-sesyon na ngayong Martes ang Comelec, sa canvassing ng mga boto para sa mga senador at party-list.

Subalit sinuspinde ng NBOC matapos hindi makatanggap ng complete certificates of canvass.

Muling aarangkada ang canvassing ng NBOC mamayang alas-7 ng gabi. RNT/SA