Proklamasyon ni Tulfo sa ACT-CIS, sinuspinde ng Comelec sa DQ case

Proklamasyon ni Tulfo sa ACT-CIS, sinuspinde ng Comelec sa DQ case

March 2, 2023 @ 4:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Commision on Elections (Comelec) ang proklamasyon ni dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo bilang nominee ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list, dahil sa disqualification petition na inihain laban sa kanya.

Sa pahayag na inilabas ng Comelec, ang petition for disqualification laban kay Tulfo ay dahil pagkwestiyon sa kanyang “citizenship” at “conviction by final judgement of a crime involving moral turpitude”.

Ayon sa Comelec, ang disqualification ni Tulfo ay hiniling ni Atty. Moises Tolentino Jr. Inihain ang petisyon noong Pebrero 28.

Ipinaliwanag ng Comelec na sa ilalim ng Section 8, Rule 5 ng Comelec resolution no. 9366, ang proklamasyon ng isang namoninado ay maaring masuspinde kung malakas ang ebidensya sa Petition for Disqualification at hindi pa rin nareresolba ang mga ito.

Nakatakda namang i-raffle ang kanyang disqualification case sa isang dibisyon para sa pagsasagawa ng mga pagdinig sa Marso 6.

Inihayag ni House Majority Leader Mannix Dalipe noong Pebrero 22 na nagbitiw si ACT-CIS party-list Rep. Jeffrey Soriano, na nagbunsod sa nominasyon ni Tulfo bilang kapalit sa Kamara ng mga Kinat

Dalawang beses na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Tulfo bilang kalihim ng social welfare, ngunit hindi ito kinumpirma ng Commission on Appointments sa gitna ng libel conviction nito at ang pagkwestyon sa kanyang citizenship. Jocelyn Tabangcura-Domenden