Promosyon ng PH military officers kumpirmado na ng CA

Promosyon ng PH military officers kumpirmado na ng CA

September 15, 2021 @ 7:23 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines—Aprubado na ng Commission on Appointments ang promosyon ng Armed Forces of the Philippines chief of staff na si Lt. Gen. Jose Faustino sa four-star general ngayong Miyerkoles.

Si Faustino ang ika-sampung AFP Chief, may anim na buwan sa serbisyo, na naitalaga sa administasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 Nagsimulang mamuno si Faustino noong Hulyo 31 at nakatakdang magretiro sa Nobyembre 12.

“The AFP leadership is grateful for the Commission on Appointments’ continuous trust and support as we rise through the military ranks taking on higher responsibilities to serve our country,” ani Faustino.

Samantala, kumpirmado na rin ng CA ang nominasyon ng Southern Luzon Command chief na si Maj. Gen. Bartolome Bacarro, na noo’y ipinagpaliban dahil sa pagsalungat ng pamilya ni Philippine Military Academy cadet Darwin Dormitorio na nasawi sa hazing noong 2019.

PMA commandant umano noon si Bacarro ngunit taong 2020, tinanggal ng Baguio City Prosecutor’s Office si Bacarro at ang tatlong iba pang mga opisyal ng PMA dahil sa kawalan ng probable cause.

Inihain ng pamilya Dormitorio sa kaparehong taon ang petition for review sa Department of Justice.

Kinumpirma na rin ng CA ang promosyon ng Philippine Navy chief Vice Admiral na si Adeluis Bordado maging sina Brig. Gen. Robert Velasco, Brig. Gen. Inocencio Pasaporte, at Brig. Gen. Augusto Gaite.

Dagdag pa rito, aprubado na rin ang promosyon ng Philippine Army chief of staff na si Brig. Gen. Roberto Capulong bilang major general.

Tatlong Philippine Navy captain na kinilalang sina Capt. Tirso Chavez, Capt. Jude Joseph Sumpay, at Capt. Marlon Roy Roa at isang Marine Colonel na si Col. Ronald Virtudazo ang nakatanggap pa ng kani-kanilang promosyon.

Kumpirmado na rin promosyon nina Col. Perpetuo Tan Jr. ng the Veterinary Corps, Col. Jesus Francisco Torbela ng the Corps of Professors, at Col. Rene Tambago ng the Chaplain Service. RNT/RG


  •  
  •  
  •