Promotion ng mental health services sa basic education, palalakasin ni Lapid

Promotion ng mental health services sa basic education, palalakasin ni Lapid

January 31, 2023 @ 6:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ngayon ni Senador Manuel “Lito” M. Lapid ang panukalang batas na magpapalakas sa promosyon at paghahatid ng mental health services sa gitna nang lumulobong bilang nga mental health issues sa mag-aaral at school personnel.

Sa pahayag, sinabi ni Lapid na kanyang inihain ang panukalang Senate Bill (SB) No. 1795 na naglalayong magtayo ng Mental Health and Well-being Offices sa bawat school division upang tugunan ang pangangailangan sa kaisipan, emosyunal at pagpapaunlad ng mag-aaral at tauhan ng Department of Education (DepEd).

“Nakakabahala itong pagtaas ng kaso ng anxiety, stress at depression hindi lang sa ating mga mag-aaral, kundi pati na rin sa ating mga teaching and non-teaching personnels,” ayon kay Lapid.

Base sa explanatory note ng panukala, naalarma si Lapid expsa pagtaas ng kaso ng mental health sa estudyante gamit ang ulat ng Department of Health (DOH) na may 3.6 million Filipinos ang nahaharap sa mental health issues sa panahon ng pandemya.

“Nakakalungkot na hindi pa rin gaano kinikilala ang bigat ng usapin pagdating sa mental health at ang katotohanan na ang mahinang kalusugan ng isip ay maaaring makagambala sa kakayahan ng isang tao na mag-isip ng malinaw at makapag desisyon ng maayos,” ayon sa senador.

“Just recently, on January 20, 2023, a 13-year-old male student was stabbed by his 15-year-old classmate inside the Culiat High School. Further, on January 23, 2023, a senior high school student died after falling from the ninth floor of a building inside the school premises,” paliwanag ng explanatory note.

“Hindi natin gusto na magkaroon pa ng mga ganitong kaso sa hinaharap. Kaya sa panukalang ating inihain, binibigyang-diin natin ang kahalagahan ng pagbibigay-prayoridad sa kalusugan ng isip ng mga mag-aaral,” ayon kay Lapid.

Kikilalanin ang panukala ni Lapid bilang “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act” na inaatasan ang DepEd na maglaan para sa pangangalap at pagpapakalat ng Mental Health Professionals sa bawat public elementary, secondary, vocational institution, at tangggapan sa governance levels ng DepEd na dapat pawang mental health professionals o mental health service providers.

Sinabi pa ni Lapid sa SB No. 1795 na “DepEd shall also provide for sufficient resources for mental health programs and projects designed to maintain and address the mental health and well-being of learners and personnel.”

“Ultimately, mental health promotion and early intervention strategies may produce the greatest impact on people’s health, minimizing the impact of any potentially serious health condition,” paliwanag ng mambabatas.

“Mental health promotion or early intervention in young people is an investment for the future,” dagdag ni Lapid. Ernie Reyes