Proposed P122.56B badyet ng DOTr sa 2023 isinulong ni Poe

Proposed P122.56B badyet ng DOTr sa 2023 isinulong ni Poe

November 17, 2022 @ 8:44 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isinulong ni Senador Grace Poe nitong Miyerkules, Nobyembre 16 ang pagpasa sa proposed P122.56 bilyon na budget ng Department of Transportation (DOTr) para sa taong 2023.

Ayon kay Poe, ang budget na ito ng ahensya ay malaking tulong upang paunlarin pa ang mass transport sa bansa.

Kabilang dito ay ang pagpapabuti ng serbisyo ng Metro Rail Transit (MRT) sa pagdami ng mga tumatakbong tren nito at maayos na kondisyon.

“From 14, naging 22 trains, so dumami na at mas name-maintain na ng maayos ngayon,” aniya.

Maliban dito ay ang inaasahan pang mga proyekto ng DOTr tulad ng pagpapaunlad pa sa Edsa Busway, at pagsisimula ng Cebu Bus Rapid Transit, Davao High Priority Bus System, at EDSA green-based project.

Dagdag pa, narito ang listahan ng mga proyektong popondohan ng DOTR sa ilalim ng 2023 budget:

North-South Commuter Railway (P75.1 bilyon)
Metro Manila Subway Project (P26.5 bilyon)
LRT Line 1 Cavite Extension (P2.7 bilyon)
PNR South Long Haul Project (P1.1 bilyon)
EDSA Greenways Project (P0.77 bilyon)
Cebu Bus Transit Project (P0.7 bilyon)
EDSA Busway Project (P0.21 bilyon)
Aviation Infrastructure Program (P2.5 bilyon)
Farm-to-Market Roads Project (P13.1 bilyon)
Philippine Rural Development Project (P4.2 bilyon)
Sugarcane Industry Development Program (P500 milyon)
Fuel Subsidies (P2.5 bilyon)

Kung babalikan, mas mababa sa initial spendingplan na P167.12 bilyon ang proposed DOTr budget para. RNT/JGC