Proposed P30B budget ng DOF sa 2023 aprubado na ng Senado

Proposed P30B budget ng DOF sa 2023 aprubado na ng Senado

October 3, 2022 @ 3:46 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aprubado na ng Senate finance committee nitong Lunes, Oktubre 3 ang P30.570 bilyon proposed budget ng Department of Finance sa 2023.

Mas mataas ng 14.34% o P3.833 bilyon ang proposed budget sa susunod na taon ng kagawaran kumpara sa P26.736 bilyon budget ngayong 2022.

Sa nabanggit na halaga, P2.362 bilyon ang ilalaan sa Bureau of Customs.

Makatatanggap naman ng P9.59 bilyon ang Revenue Administration Program at P3.188 bilyon sa Customs Revenue Enhancement Program kapwa ng Bureau of Internal Revenue. RNT/JGC