Proteksyon laban sa online threats sa Halalan 2022, pinalakas ng Google

Proteksyon laban sa online threats sa Halalan 2022, pinalakas ng Google

February 1, 2022 @ 12:07 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Maglalatag ang Google ng dagdag proteksyon laban sa online threats sa mga grupo at indibidwal na nasa peligro sa panahon ng Halalan.

Ayon sa tech giant, inimbitahan nila ang human rights, elections monitoring at media organizations sa bansa para mag-apply sa “Project Shield.”

Ang Project Shield ay nagbibigay ng libre at unlimited na proteksyon laban sa Distributed Denial of Service (DDoS) attacks, isang uri ng digital attack na ginagamit para i-censor ang impormasyon.

“If a website is targeted by a DDoS attack, Google’s servers will block attacking traffic to keep the website up and running,” paliwanag ng kompanya.

Bukod dito, makakatulong din ang Advanced Protection Program (APP) ng Google para protektahan ang mga policymaker, kandidato, campaign teams, mga mamamahayag at mga aktibista mula sa cyberattacks.

“APP brings Google’s strongest security protections together into a holistic program that is constantly upgraded in response to emerging threats,” saad pa ng tech giant. RNT