PROTEKSYON NG KAGUBATAN, MAHALAGA SA KAUNLARAN

PROTEKSYON NG KAGUBATAN, MAHALAGA SA KAUNLARAN

February 27, 2023 @ 7:05 AM 4 weeks ago


MISMONG si President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na ang nagsabi na mahalaga ang ginagawang pangangalaga ng pamahalaan at non-governmental organizations sa nalalabing natural forests ng bansa.

Ang mga trahedyang  dulot  ng  mala-delubyong bagyo ay nagbibigay ng diin  sa  pangangailangan  na isaayos  ang mga nasirang  kagubatan  malapit sa  mga  baybayin at makagawa  ng mga  tamang proyekto na hindi na tablan ng mga malalakas na  weather  disturbances.

Ang massive tree-plan-ting activity sa ilalim  ng pamamahala  ng  gobyerno  sa  kanyang  National Greening  Program (NGP) ay maaaring ipatupad sa coastal areas. Ang mabisang paraan upang protektahan ang mga siyu- dad mula sa nagngangalit na storm surge, ay sa pamamagitan ng mangrove reforestation sa ilalim ng NGP.

Mula sa tinatayang mahi-git 30 million hectares na kagubatan sa pagdating ni Ferdinand Magellan noong taong 1521 ay nasa 6.8 million hectares na lamang ito noong    taong 2011 ayon sa datos        ng NAMRIA o ng National Mapping and Resource In-formation Authority.

Pero sa pinakahuling tala ay umakyat ito sa 7.2 million hectares o pagtaas ng 5.6% dulot ng reforestation program at pagpapatupad ng anti-illegal logging laws.

Ayon pa kay Pangulong BBM, sa kasalukuyan ay puwedeng i-monetize ang forest cover, mayroon itong peso o dollar value na malaki ang maitutulong sa pag-papaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Ang tinutukoy ng Pangulo ay ang malaking pondong inilalaan ng mga funding agencies para sa proteksyon ng kagubatan katulad ng carbon sink program ng UNEP o United Nations Environmental Program.

Base sa direktiba ni Pangulong BBM, may inihandang strategic plans and    programs for the forestry sector ang DENR o ang Department of Environment and Natural Resources.

Bahagi nito ay ang pagkakaroon ng isang real-     time, single-point access fo-          restry investment program     na magbibigay ng mga tamang impormasyon at serbisyo ukol sa forestry investment sa tinatayang 15 million hectares na forestlands ng bansa.

Nakaugnay din ang portal sa mga financial and credit facilities of partner financial institutions katulad ng DBP o Development Bank of the Philippines na suportado       ang mga agro-forestry plantation program, at maging        sa Philippine Crop Insurance Corporation para sa proteksyon ng mga pananim.