PROTEKSYON NG MANILA VENDORS ISUSULONG NINA ATTY. LOPEZ AT BAGATSING

PROTEKSYON NG MANILA VENDORS ISUSULONG NINA ATTY. LOPEZ AT BAGATSING

February 24, 2022 @ 12:04 PM 4 months ago


MALAKI ang maitutulong ng mga programa nina Manila mayoralty bet  Atty. Alex Lopez at bise nito na si actor Raymond Bagatsing sa pang­kabuhayan ng mga ma­ma­mayan ng Lungsod ng Maynila.

Nabigyan tayo ng pag­kakataong dumalo at magtanong sa idinaos nila na press conference sa The Bayleaf Intramuros hotel sa lungsod ng Maynila noong nakaraang lunes.

Naitanong natin sa magkatambal kung ano ang kanilang mga pra­yoridad at kung papaano nila isusulong ang kanilang layunin para sa tunay na pagbabago sa kabuhayan ng mga programang kanilang inila­had, dalawa rito ang binig­yang-diin ng Lopez-Bagatsing tandem.

Maliban sa pag-ayuda sa pangangailangan at pagpapaunlad ng kabataan, kanila ring binanggit at aasikasuhin ang pag-angat ng komersyo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maliiit na negosyante tulad ng mga vendor.

Tumpak ang punto ni Ba­gatsing na huwag ituring na parang kriminal ang mga vendor na ang tanging layunin lamang ay maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda sa kalye.

Sang-ayon din tayo sa salita ni Atty. Lopez na dapat ituring ang mga vendor bilang partner sa nation o city buil­ding katulad ng pagtrato sa ibang bansa sa mga micro and small enterprise kung saan parte rin sa programa ang maayos na pagpapautang sa mga ito.

Kailangan lamang na isaayos ang sistema ng kanilang pagti­tinda upang hindi makaabala sa trapiko at publiko.

Nabanggit din niya ang paglalagay ng ilaw para mas lalong protektado ang mga ito sa night market.

Adequate lighting and illumination naman ang katawagan natin sa bagay na ito sa health and safety.

Aba, kung sakaling makaposisyon sina Atty. Lopez at Bagatsing sa Manila City Hall, mabibigyan ng malaking pag-asa ang mga vendor na na­walan ng hanapbuhay lalo na ang mga tinamaan ng pandemya.

Hindi pa sumasapit ang opisyal na araw ng pa­nga­ngampanya para sa mga lokal na kandidato pero dapat mag-isip-isip na ang buong mama­mayan ng Maynila.