Proteksyon ng Moderna jabs, humuhupa; booster shot kailangan

Proteksyon ng Moderna jabs, humuhupa; booster shot kailangan

September 16, 2021 @ 10:56 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

CHICAGO – Lumabas sa mga bagong datos mula Moderna Inc sa kanilang isinagawang mas malakihang COVID-19 vaccine trial na ang bisa ng nasabing bakuna ay humuhupa kapag tumagal.

Nagpapalakas lang ang nasabing resulta sa kanilang hirit na pagkakaroon ng booster shot, ayon sa news release ng nasabing kompanya, Miyerkoles.

Nauna nang lumabas sa mga pag-aaral na may kaonting lamang ang Moderna vaccine kumpara sa Pfizer COVID jabs partikular sa pagpapanatili ng bisa nito habang tumatagal.

Ito ay maaring dahil sa mas mataas na dose ng messenger RNA (mRNA) at mas mahabang nang kaonting panahon sa pagtuturok ng una at ikalawang bakuna.

Sa kabilang banda, sa inilabas na bagong pag-aaral, lumalabas dito na mas mataas ang tsyansa na magkaroon ng breakthrough infections ang mga indibidwal na nabakunahan 13 buwan na ang nakalilipas kumpara saw along buwan pa lang.

Ang breakthrough infections ay tumutukoy sa mga indibidwal na nagkaka-COVID pa rin kahit bakunado na.

Ang nasabing pag-aaral ay hindi pa naman dumadaan sa peer review. RNT


  •  
  •  
  •