Proteksyon sa BPO vs automation, chatbot ipinanawagan

Proteksyon sa BPO vs automation, chatbot ipinanawagan

January 31, 2023 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Risa Hontiveros nitong Martes ang Department of Trade and Industry (DTI) na protektahan ang manggagawa sa Business Process Outsourcing (BPO) na maaaring maapektuhan ng automation sa industriya bunsod ng paglobo ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) chatbots.

Ayon sa US-bases na kumpanyang Gartner, maaaring makatipid ang call center ng hanggang $80 bilyon kung papalitan na lang ng chatbot ang tao pagdating ng 2026.

Dahil na rin sa krisis sa loob ng global tech giants, mas lalo pang tumaas ang paggamit ng AI sa iba’t-ibang paraan.

ā€œNamomoblema ba ang industriya ng BPO? May plano ba si Sec. Si Pascual, na namumuno ng DTI, kung sakaling mas maraming kumpanya ang namumuhunan sa AI sa halip na sa mga manggagawa? Malaki ang magiging epekto nito sa ating BPO industry, sa ating ekonomiya, kaya ngayon pa lang handa na ang ahensya sa posibilidad na ito,ā€ sabi ni Hontiveros.

Kumikita ng humigit-kumulang $30 bilyon taun-taon ang industriya ng BPO ng Pilipinas— halos kapareho ng mga OFW. Binigyang-diin rin ng senador na ang BPO earnings ay isa sa tatlong sangkap tungo sa pagbilis ng paglago ng ekonomiya ng bansa, kasama ang turismo at kita ng ating mga OFWs.

ā€œIf this industry gets into trouble, then dollars become scarce, they become more expensive, and the peso devalues. A pathway to entry into the middle class will also disappear,ā€ ayon kay Hontiveros.

Sinabi rin ng senador na habang naghahanda para sa kinabukasan ng AI sa bansa, dapat sabay-sabay na magkaroon ng mas malakas na kampanya ang DTI para protektahan ang industriya at mga manggagawa nito.

“Mukhang alam naman ng industriya ng IT-BPO kung ano ang kailangan nito upang umunlad sa panahon ng mga bot tulad ng ChatGPT at, sa conceptual level, sa tingin ko ay alam din ito ni Secretary Pascual,” sabi ng Senador.

“Alam ko na alam ni Sec. Pascual ang mga posibilidad pati na rin ang panganib na kinakaharap ng industriya ng IT-BPO: I agree with him when he says that current systems of learning are not yet agile enough for our industries to stay ahead of the AI curve. Dapat niyang tiyakin na ang industriya ay direkta at mabilis na makakaimpluwensya sa mga curriculum ng paaralan. Maybe work places themselves should now be the schools, or should at least be supported in defining a continuing education pathway for workers. Sa ganoong paraan, alam ng manggagawa kung anong kasanayan ang magbibigay sa kanila na magtrabaho.”

Naniniwala ang Senador na may pagbabago na pagdating sa ā€œbattle for talentā€ ng local IT-BPO industry. Ngunit nagbabala siya na “kailangang tiyakin ng DTI at DICT ang patuloy na pagpapabuti ng connectivity sa bansa, lalo na para sa nasa ā€œwork-anywhere modelā€.

ā€œConnectivity is central for talent retention will remain technically feasible even as clients’ service standards continue to rise. Maraming kumpanya ang nagtatayo ng call center sa Pilipinas dahil mismo sa kakayanan at abilidad ng Pilipinong manggagawa. The DTI should constantly highlight the particular care and attention that Filipino workers offer, ang mga yan ay hindi kailanman maibibigay ng kahit anong chatbot,ā€ pagtatapos ni Hontiveros. Ernie Reyes