Proteksyon sa journos, human rights defenders pinalakas ng Meta

Proteksyon sa journos, human rights defenders pinalakas ng Meta

April 8, 2022 @ 8:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng parent firm ng Facebook na Meta na pinalalawak nito ang proteksyon para sa mga pampublikong tao, kabilang ang mga mamamahayag at tagapagtanggol ng karapatang pantao, laban sa online harassment.

Sa isang pahayag, sinabi ng Meta na inilunsad nito ang isang libreng digital na programa sa seguridad at kaligtasan upang ma-secure at maprotektahan ang mga digital asset ng mga mamamahayag at tagapagtanggol ng karapatang pantao at kontrahin ang online harrasment.

Sa paglulunsad ng Journalist Safety Hub, ise-centralized nito ang lahat ng resources at tool na magagamit sa mga platform nito.

“Gumawa kami ng ilang mga update sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad, kabilang ang pagpapalawak ng mga proteksyon para sa mga pampublikong tao tulad ng mga mamamahayag at tagapagtanggol ng karapatang pantao,” sabi ng kumpanya.

“We have made several updates to our Community Standards, including expanding protections for public figures such as journalists and human rights defenders,” ayon sa Meta.

“We now remove more types of harmful content such as claims about sexual activity, comparisons to animals and attacks through negative physical descriptions. Our policies now also provide stronger protections against gender-based harassment for everyone, including public figures,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa Meta, inilunsad din kamakailan ang mga bagong polisiya laban sa “mass harassment and brigading” na tumatarget sa mga indibidwal na may mataas na panganib sa offline harm.

“This includes attacks against dissidents—even if the content on its own wouldn’t violate our policies. We also remove state-linked and adversarial networks of accounts, Pages and Groups that work together to harass or try to silence people,” dagdag pa ng Meta.

“These efforts and updates to policies are informed by our independent Human Rights Impact Assessment Report on the Philippines published in 2021,” ayon pa rito.

Sinabi rin ng Meta na patuloy nitong pinapabuti ang mga patakaran upang labanan ang maling impormasyon na ibinahagi sa mga platform nito. RNT