Proteksyon sa mga guro vs maling paratang ng child abuse, isinulong sa Kamara

Proteksyon sa mga guro vs maling paratang ng child abuse, isinulong sa Kamara

March 14, 2023 @ 12:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Dapat protektahan ang mga guro laban sa maling bintang o alegasyon ng child abuse.

Ito ang iginiit ni OFW Partylist Rep. Marissa Magsino sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Basic Education ukol sa panukalang nagsusulong na magkaroon ng mekanismo para sa public school teachers at school personnel pagdating sa mga isyu ng pagdidisiplina sa mga estudyante at classroom management.

Ayon kay Magsino, may pangangailangan na protektahan ang mga guro laban sa online attacks, malisyoso at maling dahil sa kanilang ginagawang pagdidisiplina sa mga estudyante.

“Unfortunately, when our teachers and school personnel exercise their duty to discipline our students within their scope of authority, they are subjected to complains by the parents and ridiculed by the public. These attacks effectively hamper them from fully discharging their duties, afraid of losing their jobs or having their reputation smeared,” ani Magsino.

Nakapaloob sa panukala ang pagpapatupad ng classroom management guidelines na babalangkasin ng Department of Education (DepEd), layon nito na mabigyan ng proteksyon ang mga guro laban sa anumang legal na kaso resulta ng kanilang ginagawang pagdidisisiplina sa mga estuyante.

“The prevalence of problematic and disruptive student behavior in schools has called attention to the need to train our educators to effectively manage their classes through appropriate discipline strategies to promote the student’s sense of responsibility in the classroom and to produce more responsible citizens,” paliwanag Magsino.

Bahagi ng ipatutupad na mekanismo ang pagbibigay ng training at professional development sa mga guro kaugnay sa tamang student discipline at classroom management. Gail Mendoza