Proteksyon sa mga mamamahayag, tinalakay ng EU, Pinas

Proteksyon sa mga mamamahayag, tinalakay ng EU, Pinas

October 8, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isa sa mga pangunahing paksa na pinag-usapan ng Pilipinas at  European Union (EU) sa isang pulong ukol sa karapatang-pantao nitong linggo ang pagprotekta sa mga mamamahayag.

“Both sides underlined the importance of a strong independent media environment, including by strengthening prosecution for crimes against journalists,” saad sa joint statement  ng dalawang partido.

Ang kalatas ay ginawa kasunod ng second EU-Philippines sub-committee meeting ukol sa  good governance, rule of law, at human rights sa Pilipinas, araw ng Huwebes.

Ang naging pahayag pa rin ng EU at Pilipinas ay matapos ang naging insidente ng pananambang at pagpatay sa  veteran broadcaster na si Percival Mabasa.

“Former senator Leila de Lima’s case was also raised, as well as the cases of journalists and media workers, such as Maria Ressa, when freedom of opinion and expression, media and information were discussed at length. The Philippines provided updates to these cases,” dagdag na pahayag nito.

Maliban sa pagprotekta sa karapatan ng mga mamahayag, tinalakay din sa sub-committee meeting ang  “migration, boosting the criminal justice system, the Mindanao peace process, and the Philippines’ commitments to address alleged extrajudicial killings.”

“Both the EU and the Philippines reaffirmed their commitment to the promotion and protection of human rights while recognizing the need for further action on a number of human rights issues,” ang nakasaad sa kalatas sabay sabing “The GSP+ monitoring mission of February 2022, assessed the progress, and provided an additional platform for continued engagement on human rights and labor rights issues.”

Pinag-usapan din ang right to development  at ang  freedom of association and assembly.

Kapuwa naman nangako ang dalawang panig na poprotektahan ang  human rights defenders mula sa karahasan at harassment at tiyakin ang kalayaan ng civil society.

Kapuwa in nagpahayag ng pagkabahala ang dalawang panig sa usapin ng mga kaso ng paglabag at pag-abuso sa  human rights at international humanitarian laws at binigyang diin ang pangangailangan na mapapanagot ang nagkasala.

Sa kabilang dako, binigyang diin din ng Pilipinas ang kahalagahan ng United Nations Joint Program on Human Rights (UNJP), na sumusuportta sa commitments  ng gobyerno sa larangan ng accountability, kabilang na ang “context of the anti-illegal drugs campaign, police data on human rights violations, civic space, drug control, counter-terrorism, and national reporting mechanism.”

Muli namang pinagtibay ng EU  ang patuloy na pagsuporta nito sa  UNJP at palakasin ang “illegal drug rehabilitation, reintegration, at advocacy work.”

Hinikayat ng  EU ang Pilipinas na ipagpatuloy lamang ang  constructive engagement  nito at palakasin ang kooperasyon sa civil society organizations.

Samantala,  looking forward naman ang dalawang bansa para magpartisipa sa  4th Asean-EU Policy Dialogue on Human Rights mula Oktubre 24 hanggang 26.

Inimbitahan naman ng Pilipinas  ang EU  na makiisa sa mga aktibidad at programa ng Asean Intergovernmental Commission on Human Rights.

Ang  sub-committee  ay  co-chaired ni  Jaime Victor Ledda, assistant secretary ng Office of European Affairs of the Department of Foreign Affairs, at Paola Pampaloni, deputy managing director for Asia at Pacific of the European External Action Service. Kris Jose