Proteksyon sa same-sex marriage pirmado na ni Biden

Proteksyon sa same-sex marriage pirmado na ni Biden

December 14, 2022 @ 11:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinirmahan na ni US President Joe Biden nitong Martes, Disyembre 13 ang batas na magbibigay ng federal protections sa same-sex marriage.

Dahil dito ay kaagad na sumugod sa White House ang malaking bilang ng mga tagasuporta ng naturang batas para ipagdiwang ito.

Tinawag ni Biden na rights victory ang naturang batas, na kilala rin bilang tagasuporta ng same-sex unions bago pa man naging Pangulo.

“America takes a vital step toward equality, for liberty and justice, not just for some, but for everyone,” ani Biden kasabay ng signing ceremony nitong Martes ng hapon.

Matatandaan na kinontra ng US Supreme Court ang matagal nang inilalaban na abortion rights noong Hunyo, kung kaya’t makalipas nito ay nagsanib-pwersa ang mga mambabatas na iwasang matulad dito ang same-sex marriage rights.

Balik sa selebrasyon, lumahok si Biden kasama ng grupo ng mga Republican at Democratic lawmakers sa White House kasama ng mga advocates at plaintiffs ng marriage equality sa bansa.

“Today, we are making history and making a difference for millions of Americans,” pahayag ni Tammy Baldwin, kauna-unahang openly gay US senator.

“We are telling the millions of same-sex and interracial couples that we see them and we respect them.” RNT/JGC