Protektor ng mga kawani ng hudikatura inihahanda na-SC

Protektor ng mga kawani ng hudikatura inihahanda na-SC

October 27, 2022 @ 7:46 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinasapinal na ng Korte Suprema ang mga implementing rules and regulations ng Office of Judiciary Marshals (OJM), isang tanggapan na mamamahal para sa seguridad at proteksyon ng mga tauhan ng hudikatura, sinabi ni Associate Justice Midas Marquez.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Marquez na umaasa siyang ang chief marshal at tatlong deputy marshals para sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay maitalaga sa unang quarter ng susunod na taon.

“Ang nakikita ko po dito sa simula, meron tayong mga judiciary marshals, mga ilan-ilan, uunahin po natin dito— na mo-monitor naman natin ‘yung mga judges na under threat, no? So bibigyan po natin sila ng judiciary marshal, bawat isa sa kanila,” aniya pa.

Ngayon kasi, tanging ugnayan lang sa Philippine National Police ang nangyayari sa pagitan ng Korte Suprema para sa pagsisiguro sa kaligtasan ng mga hukom sa bansa.

Sinabi niya na ang ilang mga hukom ay itinalaga rin sa ibang lugar.

Ani Justice Jhosep Lopez na bibigyan ng kapangyarihan ang mga marshal na magsagawa ng imbestigasyon sa mga kaso ng karahasan sa kawani ng hudikatura, dahil ang kasalukuyang security personnel ng Supreme Court ay walang kapangyarihang ganito.

Dagdag pa ni Marquez na bubusisiin ng OJM ang mga kaso ng pagpatay sa mga hukom na nasa serbisyo.

Pagdating naman sa isyu ng red-tagging, tiniyak ni Chief Justice Alexander Gesmundo na hindi sila mangingiming kumilos laban dito. RNT